Mét•ro 1: sistema ng sub-way sa lungsod o tren sa sistemang ito lalo na sa Paris 2: pinaikling Metropolis
mét•ro 1: batayang yunit ng habà sa sistemang metriko ng súkat, katumbas ng 100 sm o humigit-kumulang sa 39.37 pulgada 2: kasangkapan sa pagsúkat ng habà, taás, at lakí ng materyáles 3: sa tula, ang sukat at habà ng taludtod 4: ang pulso at ritmo ng isang anyong pang-musika
manila paper (ma•ní•la péy•per) : papel na kulay kape mula sa manila hemp at ginagamit na pam-balot, sobre, at iba pa